Monday, May 30, 2016

Philippine Independence Day 2016


Selebrasyon ng Kalayaan ng sambayanang Pilipino sa Hunyo labing-dalawa ng taong dalawang libo't labing-anim (June 12, 2016).

Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa bagong administrasyon na palayain tayo sa parusa ng kahirapan. Marapat lamang na mapunta sa taumbayan ang salapi ng inang-bayan na nanggagaling rin naman sa sambayanang Pilipino at hindi lang napupunta sa bulsa at winawaldas ng mga taong garapal at uhaw sa kapangyarihan.

Batid namin na maging malaya ang bawat puso at utak ng bawat Pilipino sa nakagisnan na korapsyon sa ating inang-bayan. Ngunit ang lahat ng ito'y hindi magmumula sa gobyerno kundi sa ating bawat indibidwal mismo.

Gayun pa man, muli, nais kong batiin ang bansang Pilipinas sa panibago na namang taon para sa SELEBRASYON NG ARAW NG KALAYAAN! MABUHAY ANG BANSANG PILIPINAS! AT MABUHAY ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

No comments:

Post a Comment